chapter 1: si andrew
june 1997
*eeeeek !!!!!* "marj !! oh my gosh !! namiss kita !!"
napayakap si ivy sa best friend nyang si marj. classmate nya ito since grade 3 at simula nun, super di na sila mapaghiwalay. kahit na nagkakaiba sila ng section nung grade school, palagi parin sila nagbobonding pag recess. nasa highschool building na sila, at first day ng class nila as freshmen. napayakap din si marj, pero tila may bakas ng kalungkutan sa mukha nya.
"ivy, hindi tayo magkaklase. section 10 ako. section 12 ka."
"ok lang yun. ang importante ay magkasama tayo ulet. basta promise mo saken, sabay tayo gragraduate ng highschool. magkasama tayo ha?!"
"oo. promise. basta tulungan tayo ha?!"
"oo. ako bahala sa science. ikaw bahala sa math, physics, at chem."
"ang daya naman nito. ikaw narin bahala sa english."
"oo ba. science at english saken."
"sige deal."
habang lumipas ang panahon, di nawala ang promise nila sa isa't isa. nagtulungan sila pag may assignments at projects sila. malapit na ang sembreak. halatang masaya ang dalawa. malapit na kasi ang highschool dance, at dahil sa mataas ang marka nila, pinayagan silang dumalo.
"marj, may ticket nako. binilhan narin kita kasi alam kong late kayo papalabasin ng teacher nyo."
"kainis nga eh. lagi nyang sinasagad yung oras. sinusulit nya talaga. as in super sakto palagi yung pagdating at pagalis nya."
"ok lang yan. oh, eto na."
"salamat ivy. eto yung bayad ko."
"naku, kahit hindi na."
"wag ka naman ganyan. di ko kelangan ng libreng ticket. sige ka. magtatampo ako sayo."
"wag! sige na nga. tinatanggap ko yung bayad mo."
magkahawak sila ng kamay habang binabaybay ang kahabaan ng heartbreak hill. 2 weeks nalang at highschool dance na. wala silang mapag usapan kungdi ang isusuot nila. since oct 29 ang dance at halloween ang theme nito, magpure black sila.
highschool dance na.
"hay ivy.. asan ka na ba?!"
inip na inip na si marj. usapan nila 6pm sila magkikita sa entrance. 7pm na wala pa si ivy. gates open at 7:30pm kaya medyo naiinip na talaga si marj. medyo nagaalala din sya pero sigurado naman sya na safe si ivy kaya di naman sya gaano nagalala. dumating na si jem, pero wala parin si ivy. 2 na sila na nagantay. napabili na ng sandwich si jem dahil sa sobrang gutom. si marj naman ay napabili ng cali. tumawag narin si jem kina ivy, pero sabi ng nakasagot, umalis na daw kanina pa si ivy. 730pm na nang dumating si ivy. tamang tama naman dahil inaannounce palang na bubuksan na yung gate.
"hoy marj, jem sorry late ako. super traffic. grabe. sorry."
"ok lang. buti naman dumating ka na. napakain na kami ni jem dahil ang tagal mo."
"sorry talaga."
"ok lang. tara. pasok na tayo. sakto naman dating mo eh. binubuksan palang yung gate."
naupo sila sa bleachers ng gym. oo, sa gym ginanap yung dance. nagkwentuhan muna. wala pa naman masyado tao kaya parang nakakahiyang sumayaw. tsaka panget pa yung sounds. parang tinetest palang lahat. 8pm na nung gumanda yung sounds. 8pm na sila nagsimulang sumayaw.
"guys, bili lang ako cali. nakakauhaw eh. ang init kasi dito."
"oo nga eh. walang hangin. sige, samahan ka namen."
brian nasan ka na ba? yan nalang naisip ni ivy habang bumibili ng cali. si brian ang busmate nya na super crush nya. di naman sila bestfriends pero friends sila at madalas sila magusap sa bus..
"
brian, pupunta ka ba sa dance?"
"hindi. wala naman akong ka-date eh."
"yan oh. si ivy."
"nyoknyaknyok. may kadate yan eh."
"ivy, may ka-date ka ba?"
"wala. wala naman nagtanong eh."
"yihee. ayan brian, si ivy libreng libre."
"di ako pupunta TJ. that's final."
alam ni TJ na may pagtingin si ivy kay brian. kaya naman palagi nyang pina-pair yung dalawa. pero di naman sya sineseryoso nung dalawa. for them, it's all a friendly joke. tsaka alam ni brian kung sino ang may gusto kay ivy. si roel. grade 1 palang daw eh may gusto na si roel sa kanya."ivy? ikaw ba yan?"
"daniel !! ano ginagawa mo dito?"
"attend ako ng dance. ikaw? ba't nasa labas ka?"
"free cali eh. kuha lang ako. tsaka nagbabakasakali ako na makita ko sya."
"sino? si brian?"
"oo. hayz. baka sakaling nagbago ang isip nya."
"hindi pupunta si brian. sinundo ko pero ayaw sumama. sorry ivy."
nagulat si ivy sa kung kanino galing ang boses nya. pag harap nya, nakita nya, si TJ nakatayo sa likod nya. mag isa lang sya.
"nagulat naman ako TJ. kala ko kung sino na."
"sorry. sige, mauna nako. sayaw na sayaw nako eh."
"sige TJ. salamat ha?!"
"no problem ivy."
pagkatapos makakuha nila ivy at daniel ng cali, pumasok sila sa loob ng gym para makipag sayaw ulit kina marj at jem. napatingin si ivy sa bleachers nang makita nya isang lalaking bumababa ng bleachers at palabas ng gym. si brian ba yun? buhok at tindig ay pareho. sya ba yun? i have to see. dali daling lumabas si ivy ng walang paalam sa mga kaibigan nya. sinundan nya yung lalaki. nakita nya pumila sa cali stand. nakipila din sya. nang makita nya ang mukha, nalungkot sya. oo nga't kamukha nung lalaki si brian, pero hindi sya si brian. pareho sila ng buhok, ng build ng katawan, ng puti ng kutis, at ng ngiti. pero that;s it. yun lang ang similarities nila. nakita nyang nilapitan ni marvin yung lalaki.
"andrew.."
andrew pala ang pangalan nito. kung dito man sya nagaaral, bakit hindi ko sya nakikita? ah, baka friend ni marvin na outsider. hays. gusto ko ikaw makilala andrew.
"hoy. ivy. ano tinutulala mo jan?"
"TJ! kaw pala. tinitingnan ko yun oh. kamukha kasi ni brian. kala ko sya."
"hay ivy. lasing ka na yata sa cali eh."
"nyek. di naman nakakalasing yun eh."
"ivy, di yan si brian. si andrew yan. classmate ni marvin."
classmate?! "dito yan nagaaral?"
"oo. bakit?"
"bakit di ko sya nakikita dito?"
"lagi nya kasama sila marvin. teka, pakilala kita."
"teka, kilala mo sya?"
"oo. pinakilala sya saken ni marvin."
"okies."
wow. parang kinakampihan ako ni destiny ah. kahit wala si brian, makakakilala ako ng guy na para nyang older twin. ayus toh.
"hey guys!"
"hey TJ. aba, may ka-date ka na bigla ah. kala ko ba solo flight ka rin?"
"sira, hindi ko kadate si ivy. oo nga pala, ivy, si marvin, busmate naten pero lagi sa harap nakaupo dahil laging late kaya di ko napapakilala. at eto nga pala yung iba nyang friends. si gudo, si raymond, si toff, at si andrew. magkaklase silang lahat."
"nice to meet you ivy. *extends hands* i'm andrew. from section 22. lahat kami from section 22."
*shakes hand* "ikaw din andrew. nice to meet you din."
"sige guys, alis na kami ni ivy."
"sige pare. kitakits nalang sa monday."
"oo marvin."
at naglakad na sila palayo. nang makarating na sila sa loob ng gym, hinawakan ni TJ ang kamay ni ivy.
"sana masaya ang gabi mo. kahit wala si brian, atleast nakilala mo yung si andrew. pero ingat ka dun. menyak yun eh."
"nyek. menyak?"
"oo. lahat ng makilalang babae nun, menemenyak nun. kaya ingat ka ha?!"
"para sa`yo magiingat ako. promise."
"thanks. sa wakas nakita narin kitang ngumiti."
"dahil pinasaya moko."
"yun lang ang hangarin ko. ang pasayahin ka."
"thanks TJ."
hinalikan ni ivy si TJ sa cheeks pero nagulat ito nang ang nahalikan pala ni ivy ay lips ni TJ. hahalikan narin kasi ni TJ si ivy. nauna lang si ivy kaya yun. swak sa lips. nang malaman nila ang nangyari, dali daling nagbitaw ang dalawa. pulang pulang ang mukha nila pareho. nahiya sila sa isa't isa, at dali daling pumunta si ivy sa lugar nila marj, habang si TJ ay naiwan sa sulok. semi-tulala. dream come true ata for TJ yun.
"hoy babae! san ka ba nagpunta?"
"wala. guy searching."
"hay ivy. wala si brian. di sya pupunta dito. get over it."
"hindi naman sya eh. iba."
"ano?! sino?"
"di ko kilala eh. baka di dito nag aaral yun. nakita ko lang eh."
di na nagtanong pa si marj. at kahit magtanong sya, di narin sya sasagutin ni ivy. masyado nang nilipad ng hangin at napadpad sa ulap ang isip nito. daming tumatakbo sa isip nya. si andrew. at si TJ. ano yun? bat ganun yung naramdaman nya nung nakasama nya si TJ? di nya maexplain pero masaya yung feeling. at nung halikan sya nito, parang comfortable sya. yung feeling na kaya mo gawin kahit ano, nang di mo iisipin ang iisipin ng iba, di ka mahihiya na baka magkamali ka. ano kaya yun? ang gulo!
This post has been edited by arli.ni.marco on Feb 9 2007, 12:56 PM