View Full Version: Chicksilog Confessions

Iris Lounge > Fan Fictions, Stories & Prose > Chicksilog Confessions

Pages: [1] 2

Title: Chicksilog Confessions
Description: boy meets bayabas... /gg


~Fiamme` - December 29, 2005 07:54 AM (GMT)
DISCLAMER: This story is pure fiction as are the characters involved. It did not happen to anyone and neither did it happen to me. If ever something similar like this happened in real life, coincidence lang po.

Chapter 1 – Nananabik Nag-aabang

Dude. Musta na? Haha, ako? Ayos lang naman. Eto upo ka. Yosi? Eto pangsindi. Tagal na tayo di tumambay tulad neto no? Nakaupo lang, kuwentuhan ng kahit ano. Paano ba naman na adik kasi tayo sa Ragna eh. Hehehe. Tuwing break sa klase diretso na shop. Todo laro. ‘Lul! Di ka daw adik ‘Tado ka pala mas madalas ka nga laro sa ‘kin eh.

Pero tol,. kilala mo ba yung si PriestessKat? Yung ka guild natin sa Shadow Circle. Oo yung pari. Lupit no? Mahusay mag support. Ang kalog pa. Sarap kausap. Maski depensa tayo tuwing siege hindi boring kasi nandyan siya.

Dude. Huwag ka maingay hah? Ano kasi… Paano ba ‘to sabihin. Ummm… Si Kat kasi… Parang… type ko kasi siya…

P’re naman wala namang ganyanan. Usapang lalaki. Pero diba? Okay naman siya dba? Lagi pa kami magkasama ng wiz ko. Kahit san nagpapalevel. Halos lahat nga ng boss na MVP namin. Eto nga iniipon ko na nga mga Heroic Emblem na ‘to para may BaoBao siya. Pero wag mo sabihin hah? Surprise kasi to sa kanya.

Haha ‘tol, hindi ako maloloko nyan. No joke ‘to. Di siya chiksilog. Authentic pre. Eto friendster niya. Teka log in lang ako.
Yan. Oo siya yun. Ok dba? May itsura. Cute. Talino pa. Taga UP. DL parati. Pero adik din. Laging online. Maganda na, matalino na, adik pa. Pare naman ako nauna dyan eh. Wala naman ganyanan.

Heh. Alam mo ba? This week na kami mag 99. Balak namin sabay kami iilaw. Para ayos dba? Magkikita nga kami sa shop eh. Dyan kami mag 99. Tapos labas sana kung pwede siya. Excited na talaga ako tol. Gusto ko na talaga siya makita. Oo nakita ko na picture niya pero iba talaga un sa totoong buhay e.

Ah una ka na ba tol? Oh cge cge ingat ka! Online ka grad namin hah? Panoorin mo kami umilaw. Cge tsong!

Chapter 2 – Paghihiling

Hi love. Na miss kita. Oo, totoo yan. Pwamis. Ikaw? Na miss mo ko? Wek. Si hon talaga, di mabiro.

Love, favor naman oh. Naiipipit kasi ako. Kilala mo ba si HyperWizard? Oo, yun kaparty ko lagi. Yun pinagtritripan natin? Diba nga pinakita pa natin friendster mo sa kanya? Uto-uto talaga niya no? Patay na patay talaga. Pinakita lang friendster mo. Hoy, ako daw masama, ikaw nga rin dyan nakikisama ka eh.

Ano kasi… Diba si PriestessKat mag 99 na? Eh siya rin mag 99 din. Sabi niya magkita daw. Sabay daw mag 99. Eh ala naman ako magpakita kung ano pa mangyari dyan. Baka mabugbog pa ako.

Kaya hon… Baka naman pwede…

Teka hon! Kinig ka muna. Di naman kayo lalabas o ano eh. Laruin mo lang un pari. Pa 99 mo lang. Marunong ka naman gumamit diba? Pinipilot mo yan minsan eh. Yan, palevel mo lang yun pari. Gusto mo nga huwag mo siya pansinin eh. Para hindi na maganahan. Diba nga lagi mo sinasabi na itigil na natin to? Edi ito. Magandang oras to. Dedmahin mo. Tapos iisipin niya di mo siya type. Edi di na siya bubuntot sa atin. Oh diba? Galing no? Hindi pa niya malalaman sikreto natin.

Pano hon? Payag ka na? Yuuun. Yan ang love ko. The best ka talaga. Kaya nga love kita eh. Eto kiss. Mwah!

Chapter 3 – Pagtatampo

Dear Diary,
Hay. Sensya na kung tagal na ko di nagsulat. Adik mode kasi sa RO eh. Lapit na kami mag 99 ng hunny kong si Drew. Palevel kasi namin yun pari ni hun. Eh yun isang ka guild namin na wiz, lagi namin kaparty. Buntot ng buntot. Naisip tuloy ni hun pagtripan. Alam mo naman si hun, lakas mangtrip.

Ok lang sa ‘kin yun actually. Kaso idadamay pa niya ako. Sabi daw niya makipagmeet daw ako sa kanya. Ano ba tingin niya sa ‘kin? Siya kasi e, mag papanggap babae, ayan tuloy. Dinidiskarte na. Tapos sa akin pa siya hihingi ng tulong. Alam mo, minsan nagtataka nga ako kung bakit naging kami. Teka erase erase erase. I didn’t mean that.

Hmmm… Paano kaya kung natypan ko siya? Siguradong magseselos si hun. Eh wala naman siya magagawa kasi siya naman nag pasimuno nito eh.

Oo tama. Para naman makita ni hun yun mali niya. Para magsisi din siya. Akala niya kung sino siya. Hmph.

Pero don’t worry diary. Syempre naman kami pa rin. I just need to teach my hunny a lesson. He has to know that what he is doing is wrong. I’m doing this because I love him and sometimes, you need to punish the ones you love.

Cge ah diary. Sulat ako ulit. ^^

Kat

Chapter 4 – Ligaya

Hello? ‘Tol si Allan to! Umiilaw na ako! Oo! Kanina lang! Sayang di ka nakapunta.

Ah ganun? Sige ok lang. Naiintindihan ko naman kung may importante kang ginagawa. Pero sobrang astig kanina tol. Nagkita na kami ni Kat. Ok nga eh, Kat nga talaga pangalan niya. Katrina.

Grabe nga eh. Nagpolo pa ako. At nagpabango. Mukha nga akong tanga eh, maglalaro lang sa shop nakaporma pa.

Nagkita kami kaninang alas dos sa Gotesco. Dyan kasi siya madalas naglalaro. Bad trip lang medyo malayo sa ‘min. Di ako madalas makakapunta.

Ang hot niya grabe. Pero simple lang. Alam mo yun, siya yun type na di na kailangan mag make up o mag paganda. Muntik na nga ko natunaw dyan sa PC e. Nahihiya nga ako sa kanya eh, tingin ako ng tingin sa kanya.

Sayang lang hindi kami sabay umilaw. 99.9% na kasi kaming dalawa nun. Eh biglang na mob. Sobrang dami. Sinasabihan ko na siya mag tele pero ayaw niya. Tinank niya un mob hanggang natira ko un SG ko. Kaso na deds siya. Ako naman umilaw. Biro mo pre, inalay pa niya buhay niya para lang umilaw ako.

Pagkatapos nun, linevel naman namin siya. Tapos picture kami sa lagi naming tagpuan sa Prontera. Tsaka, tol, nag DODOTA din pala siya! Nag DOTA kami pagkatapos. Talo nga ako eh. Ang galing niya.

Edi yun. Tapos niyaya ko siya kumain sa labas. Libre ko syempre. Takot nga ko kala ko tatanggi siya. Buti naman pumayag siya. Tapos yun. Kuwentuhan lang kami dyan.

Ay oo nga pala! Binigay pa niya sa ‘kin cell niya, pati na rin yun landline! Score pare!

Hmm? Ano yun? Tawagan ko na siya? Eh nagkita lang kami kanina ah. Masyadong mabilis ata. Oi pre di ko sinasabi na torpe ako pero…

Oh sige sige tatawagan ko na siya. Ikaw yun malakas sa chicks eh. Sige ‘tol. Salamat ah. Ingat. Bye. *click*

Chapter 5 – Nilinlang Niloko

Dear Diary,

Ayan. Nagkita na kami. Ok naman. Allan yun name niya. Grabe hah, sabihin ko sa iyo. Nag polo pa siya. Ang lakas pa ng pabango niya. Sa may Gotesco lang kami nagkita hah?

Edi yun. Pina 99 lang namin mga char namin. Kainis nga nilag ako eh. Namatay tuloy ako. Level down. Nauna tuloy siya mag level sa kin. Nagsayang pa kami ng isang oras para ipalevel un pari.

Anyway, pagkatapos nun niyaya niya ako kumain sa labas. Sa totoo, balak ko na umuwi nun, pero sige. Sinamahan ko na siya. Di ko nga inisip na tatagal kami dyan. Ayoko sabihin pero, masaya siyang kausap. Mga alas kwatro kami pumasok, alas sais na kami umuwi.

Binigay ko rin pala yun number ko sa kanya. Hindi kasi pumunta si Drew e. Ayaw siguro niya makita yun kaflirt niya. Hindi niya kami nakita. Di tuloy gumana plano ko. Keep in touch na lang kami hanggang makahalata ni Drew.

Pasensya na kung pinipilit ko, pero kung hindi ko to ginawa, itutuloy lang ni Drew ang pang-uuto niya kay Allan, at lalo pa ako madadamay. Ok lang yan diary, alam ko hindi tama to pero sandali na lang to.

Sige diary, tapusin ko na to. Nagriring yun phone sa kabilang kwarto. Sagutin ko lang.

Kat

PS. Pero sa totoo, may itsura din siya.

Chapter 6 – Pagtataka

Ate sa five!

Uy pare. Di ka ata nag siege kahapon ah. Wala lang. Lagi kasi kita nakikita online eh. Parang di pa kita nakikitang absent.

Tol. May papakita ako sa iyo. Hehe. Tignan mo iyan o. Asteg diba? 99 na rin sa wakas. Pure manual yan tol. Di ko binot. Kaso ang hirap din. Ako un tinitira ng lahat. Para bang target un aura ko. Mabuti naman makunat ako.

Ah si Kat? Ayos naman kami. Ganun pa rin. Medyo matagal lang kami di nag usap, busy palagi phone niya eh. Ewan ko, may pumoporma siguro sa ate niya. Balita ko maganda din. Lakad kita sa kanya ano? Haha, ikaw bahala tol.

Hmm? Teka lang. Bakit may kaparty to? Wala akong party nung isang araw ah. Ah ito? Yan un wiz na lagi ko kaparty nung nagpapalevel pa ko. Heh, maniniwala ka ba kinarir ako nyan? Oo no! Buntot kaya siya ng buntot sa kin. Natatawa na nga ako sa pagka uto-uto niya. Nakakahinayang nga minsan isipin. Biro mo dinidiskartehan ka ng lalaki. Nakakataas ng balahibo amp*ta.

Aba pare. Eto malupit. Tignan mo binigay sa ‘kin. Bao bao pare. Jackpot! Mukhang may pupuntahan pala tong kagaguhan ko. Kaso parang naaawa tuloy ako sa ungas na to. Patay na patay talaga.

Paano kaya pag nalaman niya no? Tignan mo pati na rin sa pananalita. Ang lambing na sobra. Parang matagal na kami magkakilala. Parang ang close namin.

Parang… parang… parang may nangyari….

Ay p*ta.

Chapter 7 – Pagmumuni-muni

Dear Diary,

Alala mo yun tumawag nung isang araw? Si Allan yun. Kuwentuhan lang kami ng kahit ano. Sandali lang kami nagusap nun kasi magaaral pa ako dapat. Pero kahapon tumawag na naman siya. Ewan ko kung paano pero tumagal kami. Nung binaba ko yun phone, mga alas dos na ata ng umaga.

Pinuntahan nga pala niya ako dito sa UP. Nagulat nga ako e. Pagka alam ko kasi taga UST ata siya. Medyo malayo. Eh commute pa siya. Ayoko sabihin pero… na flatter ako sa ginawa niya. Si Drew kasi may kotse siya pero si Allan…

Sayang lang hindi pa niya kami nakikita. Yan kasi talaga balak ko…

No, wait. Teka diary. Hindi yan yun gusto kong sabihin.

Actually, iniisip ko tigilan ko na lang to. Sa totoo, hindi ko alam ano magiging reaction ni Drew pag nalaman niya. Lalo na si Allan. Baka kung ano pa mangyari sa kanya pag nalaman niya. Ayoko isipin na ako yun dahilan kaya malungkot yun isang tao.

Alam ko na dapat ko tong tigilan pero…
Hindi ko kaya eh. I… I can’t do it diary. Alam ko mali tong ginagawa ko pero… I don’t know why, hindi ko siya mabitiwan. Nung una kasi, gagantihan ko lang si Drew pero ngayon…

There’s something about him. Hindi ko lang alam pero, mayroon siyang isang bagay na wala si Drew at… at…

Kainis! Bakit ako nagiisip ng ganito! Commited na ako sa isang tao! Kay Drew! He should be my one and only. Pero… pero…

I’m so confused. I don’t know what I’m going to do. Ang hirap. Kung hindi lang dahil sa Ragna hindi ko na sana nakilala si Allan.

Pero hindi naman yan yun isip ko eh. Sa totoo, masaya ako na nakalaro ako ng RO kasi nakilala ko siya.

Hindi ko na talaga alam ano gagawin ko.

I’m not supposed to say this but… I have to be honest with myself, diary.

I think I’m falling for him.

Kat

Chapter 8 - Pagdududa

“Good Evening po, pwede po ba maka-usap si Kat?”

“Sino to? Si Drew?”

“Di po. Si Allan po.”

“……. Sandali lang.”

Sino kaya yang si Drew? Dalawang beses na tinanong sakin yan. Di naman siguro siya…

Di yan. Di siguro. Kaklase siguro niya. Ewan. Ah basta.

“Hello? Ummm kasi naliligo pa si Kat. Pero malapit na siya matapos. Ok lang sa iyo maghintay sandali?”

“Uhhh… opo ok lang po. Di naman po ako nagmamadali.”

Hay. Kung sino man yun sumasagot, sana naman hindi siya nakukulitan sa kin. Ilang linggo na kami magkilala ni Kat. Halos tuwing gabi din ako tumatawag. Halos palagi din siya un sumasagot. Sino kaya yun? Ate ba niya? Heh, siguro maganda din siya tulad ni Kat.

May isang pangamba lang ako. Ewan ko lang, siguro sariling imahinasyon ko. Para kasing… Pag naguusap kami ni Kat sa RO, parang iba un dating? Teka lang, di ko kasi alam paano sabihin eh. Hmmm…

Ganito kasi. Tuwing nagsasama kami, parang iba siya kumpara sa game. Kungwari, mga pinaguusapan namin, iba. Tsaka mga hirit niya. Ewan, pag sa game kasi di niya nasasabi mga iyun.

Ito pa un masakit. Diba binigyan ko siya ng Bao Bao diba? Ewan, pero parang wala lang sa kanya. Nag thanks.gif lang tapos tumawa. Tapos nung nagkita kami sa totoong buhay, wala man sinabi. Para bang nakalimutan niya. Di naman sa makapal mukha ko pero diba? Parang di niya masyado na appreciate yun Bao Bao. Sayang naman pinaghirapan ko yan eh.

Yun din. Mga ibang pinaguusapan namin sa game, hindi niya naaalala. Ewan ko ba. Parang…

Parang dalawang tao sila. Un Kat sa game at un Kat na kilala ko. Parang pilot siguro un isa, o siguro ibang tao un kilala ko…

Kutob ko, ang dalagang nakilala ko ay hindi ang babaeng iniibig ko.

“Hello? Kat? Nandyan ka na pala haha. Sensya na medyo malalim isip ko eh. Hehe. Wala lang, ang dami kasing nangyari eh…”

Ewan, baka ako lang yun. Imahinasyon ko lang to malamang.

Totoong buhay to. Pang pocket book at kuwentong nobela ang iniisip ko. This is real life. Hindi nangyayari dito ang mga bagay na ganyan.

Chapter 9 – Paghahabol

“Hi, Kat here. Sensya na wala pa ako eh, I can’t talk right now. Alam mo naman, busy and stuff. Please leave a message na lang. Thank you!”

Love. Drew to. Wala ka na naman? Everytime tumatawag ako laging busy. Kung di busy wala ka. Eto, kausap ko na naman tong answering machine mo.

O nga pala. Tigil muna ako RO. Nakakahinayang na talaga yang HyperWiz na iyan. ROSE muna ako. Laro ka rin hun. Maganda siya.

Love, ok ka lang? May pinoproblema ka ba? Wala lang, pansin ko kasi di ka masyadong nagrereply sa text. Tapos pag pinupuntahan naman kita parang nasa ibang mundo ka. Parang ang lalim ng isip mo. Hun, kung mayroon kang inaabalahan, sabihin mo naman sa kin. Concerned na concerned ako sa iyo. I’m here for you hun. Wag mo yan kakalimutan.

Love, tayo pa rin diba? May mga sinasabi kasi sakin pero ayoko maniwala. Alam ko kasihindi ka ganyan klaseng tao. Kung ano man un inaabala mo, sabihin mo sakin. I’m here for you. We’ll work it out together. Whatever it is.

May ginawa ba ako hun? May sinabi ba ako nakakasakit? Sabihin mo naman para malaman ko mali ko. Ayusin natin. Gagawin ko talaga ang lahat para lang manatiling tayo.

Mahal na mahal kita Kat. Alalang alala ko pa rin yun araw na sinagot mo ako. After 5 months of panliligaw, binigay mo na sakin ang matamis mong “OO”. Alam mo ba nagka insomnia ako nang dalawang araw dahil sa sobrang saya? At hanggang ngayon, masayang masaya pa rin ako dahil umabot tayo ng ganitong katagal. Fifth anniversary na natin next month. Bilis no?

Dahil sa iyo hun, bawat araw masaya ako. Tuwing nagigising ako, alam ko magiging maganda ang araw dahil nandyan ka. Sa totoo talaga, siguradong sigurado na ako na ikaw un makakasama ko habang buhay. Hun, promise me that you’ll never leave. Hindi ko makakayanan ang sakit pag wala ka na.

Sasabihin ko ulit. Mahal na mahal kita. Kaya hindi ko alam kung makakayanan ko pag iniwan mo ako. Kung ano man pinoproblema mo hun, pinoproblema ko din. Abalang abala ako sa iyo.

Talk me to hon. Nandito ako para sa iyo. Kung ano man…

*click*

I’m sorry Drew…

Chapter 10 – Bumibigay, bumibigay

“Sige lang. Order ka lang. Huwag ka mag-alala. Libre ko to.”

Nagulat talaga ako dito kay Allan. Tumawag siya nung isang araw. Labas daw kami. Nagtaka ako nung una. Bigla bigla na lang kasi niya sinabi. Eh sa gulat ko, napa-oo na lang ako. Kaya yun, eto kami.

Dito kami sa isang Five Star Restaurant. Kaya pala sinabihan niya ako mag ayos. Grabe hah. Magkano kaya ginastos niya dito? Di pa ako kumakain dito pero alam ko sobrang mahal dito. Eh sa itsura ni Allan, alam ko hindi siya masyadong mayaman. Pero grabe hah, hindi mo yan iisipin sa suot niya ngayon. Talagang naka-ayos.

Lumapit yun isang waiter sa min at binigay yun menu. Muntik ko nang nabitaw un menu nung nakita ko un presyo. Ang mamahal! Nakakahiya naman kay Allan kung siya babayad ng mga to. Pero ok lang. Libre daw niya eh. Hihi. Na miss ko tong feeling na ‘to. Yun tipong pina-pamper ka. Order lang ako ng mura para di ako mukhang garapal.

Ang ganda dito. May banda pa. Magkano kaya yun inipon ni Allan para lang dito? Hihi, kaya pala di siya masyado nag raragna, pinag-iipunan niya siguro.

Ayun. Kain lang kami. Small talk. Kuwentuhan lang ng kahit ano.

Kaso, may napapansin ako dito kay Allan. Kakaiba un mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinipigil niya. Parang alam ko na rin kung ano yun. Kaya pala naghanda siya ng ganitong lakad.

“Allan…”

“Hmmm??”

“Parang may sasabihin ka ata. Wag kang mahiya. Sabihin mo lang.”

Sumakit tiyan ko. Excited ako, pero at the same time, kinakabahan din ako. Lumunok ako nang malakas.

“Kat. Napaisip lang ako. Ang tagal na rin pala natin magkakilala. Pero kung itanggal mo yun sa RO, mga dalawang buwan lang yun pagsasama natin. Alala ko nung di pa tayo nagkikita. Nung sa Ragna pa lang tayo. Hehe, medyo corny pero, ikaw ang dahilan kung bakit ako tumagal sa Ragna. Sa totoo lang, matagal na kong gustong mag quit. Pero nung nakilala kita, iba na ang tingin ko sa Ragna. Bawat araw, inaabang ko talaga ang makalaro ka. Ang makausap ka. At syempre, inaabang ko talaga ang araw na magkikita tayo.”

“Allan…”

Inabot niya kamay niya sa akin. Iiwas ako dapat pero di ko na tinuloy. Hinyaan ko na lang.

“Kat, di ko inakalang magkaka-ganito. Di ko inakalang magiging ganito ang damdamin ko sa iyo. Ummm… teka. Paano ba to sabihin. Pa sensya ka na Kat. Kabadong-kabado ako. Sige. Sa madaling salita, ang gusto ko talagang sabihin…”

Sumikip ang hawak niya sa kamay ko. Ito na. Ito na talaga.

“Kat, mahal kita. Pakiusap, tanggapin mo ang pag-ibig ko.”

Tahimik. Yan lang. Wala akong masabi. Wala. Parang ang tagal na kaming nakatitig sa isa’t isa, at walang sinasabi. Nakatingin lang siya sa kin, naghihintay ng sagot. Eto naman ako napipi. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Bigla lang nabukas bibig ko…

“Allan…”

Ito na. Kung magiging kami, sa tingin ko kelangan niya malaman. Mas maganda kung ngayon malaman niya.

“Allan, meron kang dapat malaman…”
“Ano?.”

“Allan, hindi ako ang babaeng nakilala mo sa Ragnarok. Iba ang naglalaro nun. Siya si…”

Napatigil ako. Sasabihin ko na dapat. Sasabihin ko na ang lahat. Pero di ko kaya. Ang… ang hirap sabihin. Paano kung nalaman niya? Baka hindi na niya ako kakausapin. Baka aawayin pa niya si Drew. Natatakot ako.

“Ah yan ba? Ok lang, alam ko na yan eh.”

Napatingin ako kay Allan. Alam na niya?

“Iba ang pananalita niyo. Tsaka mga ibang pinaguusapan natin, nakakalimutan niyo. Haha. Di mo nga naalala yun BaoBao binigay ko sa iyo eh. Natatawa nga ako sa sarili ko di ko nahalata nang mas maaga eh.”

“Pero Kat, kung sino man yan, kapatid mo man o kaibigan, nalaman ko lang ngayon na ikaw talaga ang gusto ko. Ikaw ang inaabang ko araw araw. Hindi yun pari sa Ragna. Hindi si PriestessKat, kundi si Kat. Ang nakilala ko sa ragna, at ang kausap ko ngayon.”

“Uulitin ko Kat. Mahal kita.”

Bigla na lang ako napayakap kay Allan. Parang ang isang malaking pabigat ay natanggal na sakin. Ang saya ko. Napakasaya ko. Kung pwede sana, tumigil na ang oras. Kung pwede sana, ganito na lang kami. Habang buhay nakayakap. Gusto ko na lang na ganito palagi. Ang tagal naming magkayakap, pero gusto kong tumagal pa.

Hindi ko na pipigilin sarili ko. Kung ano man mangyayari, hayaan na lang mangyari.

Minamahal ko siya.




BEEP BEEP!

1 message received

Happy Fifth Anniversary

Sender: Drew


Chapter 11 - Malas

Message Sent

Sana naman nabasa ni Kat yun text na yan. Ano ba nangyayari sa babaeng yan?

“Thank You Sir. Eto na po ang bouquet na inorder mo. Come Again”

Buti naman may kotse ako. Mag mumukha akong tanga pag sumakay ako sa jeep na hawak tong mga bulaklak na to.

Hay. Nakalimutan na siguro niya na anniversary namin ngayon. Ang labo nga eh. Dati siya yun inip na inip tuwing anniversary. Pero ngayon. Ewan ko.

Anyway, isusurprise ko na lang siya. Eto nakabili na ko ng bulaklak para sa kanya. Lagi kasi siya nagtatanong bakit wala siyang bulaklak. Hehe. May alam na rin ako magandang restaurant. Puntahan ko na lang siya sa bahay tapos surprise ko siya. Happy Anniversary. Tapos labas kami.

Tinatakutan ko lang, medyo naging distant siya sa kin these past few weeks. Di ko nga alam kung bakit eh. Dati everyday kami mag uusap sa phone pero ngayon, maswerte ako kung nandiyan siya. Tapos pag nakausap ko naman siya, parang nasa ibang mundo. Hopefully, matuwa siya dito.

Sana lang hindi nangyari un iniisip ko. Haha di yan.

Hay. Nakarating na rin kila Kat.

Ding Dong!

“Oh? Drew? Wala si Kat dito eh. Lumabas. Akala ko nga kasama mo eh.”

“Hah? Di po. Alam niyo po saan siya pumunta?”

Alam ko yang restaurant na yan. Pupuntahan ko ngayon.

Ano bang nangyayari? Wag mong sabihin totoo un inaabala ko? Hindi. Siguradong may dahilan si Kat. Nakalimutan lang niya. Yun na. Lumabas lang siguro sila ng kabarkada niya. Pero bakit hindi ako naniniwala sa sinasabi ko. Kutob ko talaga may nangyari. Kutob ko pag nakita ko si Kat, hindi ko magugustuhan yun makikita ko.

Bakit ganito? Bakit?

Kat ano ba ginawa ko? Bakit ginagawa mo to sakin? Bakit? Minahal naman kita e. Ano pa kulang diyan? Kailan ba ako kumulang sa iyo? Kailan?!?!?

BEEP BEEP!!! BEEP BEEP!!!

CRASHHH!!!!!!

“Tumawag kayo ng ambulansya! May naaksidente dito! Tulong! Dumudugo yun ulo!”

Chapter 12 – Kami na Ba?

Hello? Tol. Ano, umm. Oo. Nandito ako ngayon. Oo, kumakain kami diyan sa sinabi mo. Ok naman yun nangyari. Actually, di lang Ok. Sobrang saya grabe! Sinagot na niya ako pare! Oo! Di biro! Grabe no, buong gabi ko pinagpapractice yun sasabihin ko. Kaso di ko rin ginamit. Nung sasabihin ko na sa kanya, kung ano ano na yun sinasabi ko. Di ko nga inisip na kaya ko magsalita nang ganyan eh.

Pero, may inamin din siya sa ‘kin. Hindi daw siya si PriestessKat. Ibang tao daw yun. Tama nga yun hinula ko. Ewan ko lang kung bakit ayaw niya magpakita. Sinabi ko na lang kay Kat na siya talaga yun gusto ko. Tapos iyun. Napayakap kaming dalawa. Hindi ko masabi kung gano katagal kami ganyan.

Teka pare. Diba ibig sabihin nun sinagot na niya ako? Umm… Wala kasi siyang sinabi na “OO” eh. Bigla lang niya ako niyakap. Iyun na iyun diba? Nanghihinayang kasi ako. Biglang may nag text sa kanya. Tapos parang nagulat siya na sabay lumungkot. Tapos sabi niya kelangan na niya umalis. Emergency daw.

Edi iyun. Umalis siya. Iniwan niya ako dito sa restaurant. Di man niya sinabi kung ano nangyari o kung saan siya pupunta. Kaya nga nagtataka ako eh. Unang una, niyakap niya ako. Mukhang ok lahat. Tapos biglang umalis. Napapaisip tuloy ako kung kami na talaga o hindi.

Pero sa totoo, ngayon na alam ko na, parang gusto ko tuloy makilala iyang PriestessKat na yan. Sino kaya yun no? Alam ko may ate siya eh. Siya kaya yun? Try ko kausapin sa RO sa susunod.

Chapter 13 – Pagsisisi

“Yes ma’am how can I help you?”

“Andrew Vargas po.”

“Ka-ano niyo po siya ma’am? Close relatives lang po ang allowed na bumisita sa kanya”

“Girlfriend niya ako”

“Room 318 po.”

Nagtext sa akin si Ate. Sabi daw niya na-hospital si Drew. Naaksidente daw. Bigla ako napapunta dito. Nahihiya ako kay Allan bigla ako umalis. Pero mukhang malala iyun nangyari kay Drew.

Magkayakap pa kaming dalawa ni Allan nang natanggap ko ang text. Sinabi ko na lang sa kanya kailangan ko nang umalis. May emergency. Totoo naman, kaso nakakahinayang pa rin sa kanya.

Ayan, room 318. Hmm? Teka may lumalabas. Doctor.

“Doc! Excuse me po. Kumusta po si Drew.”
“Okay na siya. Nabali yun isang buto niya sa braso, pero naayos na namin. He’ll recover. Other than that wala naman masyadong major injuries. He’ll be out of the hospital in a few weeks.”

Buti naman. Natakot ako baka ano na nangyari.

Pumasok na ako sa kwarto. Nandyan si Drew, natutulog, kasama iyun mom niya. Tahimik ako na umupo sa tabi niya. May malaki siyang sugat sa ulo. Naka bandage ang braso niya, iyun isa naman may nakakabit na dextrose.

“Ano po nangyari tita?”

“Pumunta daw siya sa inyo eh. Iyan lang alam ko. Pagkatapos nun may tumawag sa min, naaksidente daw.”

Pinuntahan niya ako? Eh syempre wala ako, lumabas kami ni Allan eh.

Tinignan ko ulit si Drew. Napakalungkot ng mukha niya habang natutulog.

Drew, bakit ba kailangan mangyari ito sa iyo? Parusa ba to dahil kay Allan? Edi sana sa akin na lang nangyari. Bakit pa kailangang madamay ka? Bakit?

Hmm? Teka lang. May isa pang text dito sa cellphone ko. Di ko napansin kanina.

Happy Fifth Anniversary
Sender: Drew

Shet. Anniversary pala namin ngayon. Nakalimutan ko. Drew… Kaya pala pinuntahan mo bahay namin kanina…

Ako ang may kasalanan nito. Dahil sa kagaguhan ko, napahamak si Drew. Dapat ako yun na aksidente. Dapat ako yun nabalian ng braso. Dapat ako iyun na Hospital. Ako dapat ang pinaparusa, hindi si Drew.

“Ummm….”

“Drew, si Kat nandito oh”

Inabot ko kamay ko sa kanya at hinawak ko nang mahigpit. Unti-unting bumukas ang mata ni Drew at tinitigan ako.

“K….Kat”

Naalala ko iyun sinabi niya sa answering machine…

“Mahal na mahal kita. Kaya hindi ko alam kung makakayanan ko pag iniwan mo ako.”

Drew, hindi ko rin makakayanan kung mawala ka. Ayoko isipin. Napaka sakit isipin. Hindi ko na mapigil. Isang luha ang tumulo sa mata ko. Tapos dalawa. Sunod sunod silang tumutulo at pumapatak sa kama. Ang sama ko. Napakasama kong tao. Pinaglalaruan ko ang damdamin ni Drew. Tapos habang nalulungkot siya, eto ako nagpapakasaya kay Allan.

I’m sorry Drew. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako.

Chapter 14 – Limot

“Uhhhmmm….”

Asan ako? Ang… ang dilim. Wala ako makita. Uhhh…

Aray. Ang sakit ng ulo ko. A…aray ko. Pati na rin yun braso ko. Hmm? Ano ‘to? Bakit naka cast? Ang sakit kapag ginagalaw ko. Nabalian ba ako ng buto? Ano nga ba nangyari sa ‘kin?

Uhhh… Ayan. Medyo lumiliwanag na. Kaso ang labo ng paningin ko.

Iyung huling naalala ko, nagdridrive ako. Nagmamadali ako. Tapos may narinig ako na jeep. Ang bilis ng nangyari, hindi ako nakaiwas. Tapos bigla na lang dumilim. Wala na ako maalala pagkatapos nun. Next thing I know, eto na ako.

Ayan, lumilinaw na paningin ko. Paunti-unti. Nasa hospital ata ako. Kaso ang labo pa rin ng mata ko. May nakikita akong dalawang tao dito sa kwarto pero hindi ko masabi kung sino. Hindi ko sila makita nang mabuti. Ang labo pa kasi ng mata ko.

Hmm? Parang may humahawak sa kamay ko. Malambot, at mainit. Parang kilala ko kung kaninong kamay to. Pero hindi ko lang masabi kung sino iyun. Hindi ko maalala…

Yun dibdib ko. Biglang sumakit. Pero di ito yun sakit ng katawan. Ibang klaseng sakit. Hindi ko alam, pero, nakakalungkot. Parang may napakahalagang bagay na kinuha sakin. Hindi ko lang talaga masabi kung ano iyun.

Humigpit ang paghawak sa aking kamay. Medyo nakikita ko na rin siya. May isa pang tao dito sa kwarto. Si… si mommy. Kilala ko. Pero ito…

Uhhh… Eto. Umaayos na paningin ko. Nakikita no siya…

“Drew, si Kat nandito oh”

Si… si Kat. Nandito siya. Nandito talaga siya.

Bubuksan ko sana bibig ko para magsalita. Sabihin ko pangalan niya. Kaso… uhhh. Ang hirap. Ngayon ko lang to naranas. Ang hirap mag salita.

“K…. Kat”

Teka, sino ulit si Kat?

Chapter 15 - Inis

Pare. May tanong ako sa iyo. Mga two weeks ago kasi lumabas kami ni Kat. Tapos doon ko inamin sa kanya. Umm… Doon ko inamin damdamin ko sa kanya. Yun? Alala mo pa ba?

Ang nangyari kasi, iyun. Inamin ko na nga sa kanya. Tapos bigla siya napayakap sa ‘kin. Wala siyang sinabi, bigla lang niya ako niyakap. Gaano katagal? Medyo matagal din. Kaso, pagkatapos nun, bigla lang may nag text sa kanya. Tapos kelangan na daw niya umalis. Emergency daw.

Pagkatapos nun, wala na. Di ko na siya nakita o nakausap. Laging siya wala sa bahay pag tumatawag ako. Di rin siya nag rereply pag nagtetext ako. Di ko na rin siya matyempohan sa UP. Di na rin siya nag RRO. Ilang beses na siya di nagsiege, eh yun GM namin napaka strict sa attendance. Tignan mo. Siege nga ngayong gabi wala na naman siya. Nagquit na ata eh.

Pare sa tingin mo? Ano ba ibig sabihin ng yakap na iyan? “Oo” ba iyan? Sinagot ba niya ako? O kaya nga niya ako niyakap kasi nahihiya siya tumanggi? Nalalabuan ako eh. Isipin mo naman. Kabadong kabado ako nung gabing iyun. Tapos nung napayakap kaming dalawa, sobrang saya ko. Iniisip ko talaga na kami na. Feeling ko tuloy, kumpleto na buhay ko at ok na sa ‘kin mamatay.

Tapos manggaganito siya. Syempre naman magtataka ako diba? Sino bang hindi.

Ang labo kasi ng mga babae. Ayaw nila sabihin ng diretso. Patago-tago pa. Kelangan talaga pagisipan mo nang mabuti kung ano talaga iyung ibig nilang sabihin.

O? Bakit mo naman nasabi iyun? Naiilang siya sa ‘kin? Eh bakit naman siya maiilang? Kung maiilang siya sa ‘kin, edi sana sinabi na lang niya na ayaw niya sa ‘kin kesa paguguluhin pa niya ako nang husto. Ganun ba iyun? Sa bagay, siguro minsan pag nagiging kayo, nahihiya iyun babae. Pero pare naman, ever since iyung gabing iyun, wala na kaming contact. Maski tawag o text wala. Wala talaga. Kutob ko tuloy iniiwasan niya ako. Hindi ko lang alam kung bakit.

GAH! Mga babae talaga! Pampagulo ng buhay. Hindi ko alam kung bakit ko pa pinapahirapan sarili ko. Kung kelan ako magseseryoso tsaka ako gagaguhin. Kainis.

Hmm? Teka. Ayun. Nagonline na siya. Ma PM nga.

Chapter 16 – Alaala

Nakalabas na rin ako ng hospital. Medyo naninibago pa rin ako. Ang labo pa rin. Hindi ko sinabi sa kanila, pero mukhang may amnesia ako. Partial nga lang. Yun ibang bagay, naaalala ko, iyun iba naman di ko maalala.

Si Kat naman. Di ko natanong, pero mukhang GF ko nga. Pero kung GF ko nga siya, nagpapasalamat talaga ako. Grabe napakabait niya. Di ko maalala kung paano naging kami, pero di ako nagsisisi na siya iyun linigawan ko. Ewan ko lang kung bakit, pero tuwing naguusap kami, medyo sumasakit dibdib ko. Parang may sasabihin ako dapat sa kanya pero di ko alam kung ano iyun. At parang may malaki rin akong kasalanan sa kanya. Iyan tuloy, medyo nanghihinayang na ako sa kanya. Sana lang maalala ko na iyun para maayos ko na.

Hmm. Parang alam ko tong shop na to ah. Hobby Stop Cyber Arena. Oo nga. Dito ako palagi tumatambay. Makapasok nga.

“Ate sa Number 5.”

Hmm? O nga pala. Palagi ako dito naka pwesto sa five. Ano nga ba iyun linalaro ko dito? Ayun. Ragnarok. Parang naglalaro rin ata si Kat eh. Di ko lang masigurado.

Username and password…
Aba. Naalala ko pa pala username at password ko. Haha buti naman at di ko nakalimutan. Hmm PriestessKat. Akin ba to o kay Kat? Di ko maalala eh. Malaro nga.

Oo tama. Alala ko na. Kaming dalawa ni Kat ang naglalaro nito. Minsan ako, minsan siya. Ano ulit tawag dun? Pilot! Yun tama. Minsan ako yun pilot, minsan naman siya. Tapos napailaw pa namin tong pari na to. Alala ko na. Magkatabi pa kami pag nagsiesiege.

O? May nag PPM sa ‘kin. HyperWiz? Parang naalala ko yang pangalan na iyan.

(From HyperWiz:) Musta ka na? Tagal na natin di nagusap ah.

Hmm. Sino kaya to?

(To HyperWiz:) Ah. Uu nga. Pasensya ka na.

(From HyperWiz:) San ka ba laro? Dyan pa rin sa may Gotesco?

(To HyperWiz:) D. Dito me sa may Katipunan.

(From HyperWiz:) Uy! Malapit lang yan sa may amin. Punta ako dyan gusto mo?

(To HyperWiz:) sige. Ok lang. Hintayin kita.
Ewan ko kung bakit pero kutob makakatulong to sa amnesia ko. Ewan ko. Kutob ko lang.

Chapter 17 – Ako ay Nahulog

“Bos, para.”

Naglalaro pala si Kat dito sa Katipunan. Eh sa bagay, taga UP din yan. Balita ko naman safe dyan sa Hobby. Alanganin nang ma hack ngayon. Nagtataka tuloy ako, bakit naman pupunta pa yan ng Gotesco maglaro? Ang layo layo naman.

Di niya sinabi sakin na naglalaro rin siya dito. Kung alam ko lang, palagi ko na rin siya dadalawin. Pero teka? Parang may sinabi ata si Kat na hindi daw siya si PriestessKat? Di ko masyado pinag-isipan nun eh. Nung gabing iyun kasi, kung ano ano na talaga lumalabas sa bibig ko. Di ko na masyado pinag-isipan iyun sinabi niya. Basta kasama ko siya, masaya na ako.

Eto pala iyun Hobby Stop. Alam ko paano pumunta dito pero ngayon pa lang ako nakapasok sa loob. Ang dami rin palang tao. Balita ko panay taga Lydia Server naglalaro dito. Dami nag DODOTA. Pero marami pa rin mga nag RaRagna.

Asan ba si Kat? Nandito lang daw siya sa first floor eh. Bwisit, ang sikip dito. Hirap gumalaw. Daming tao grabe.

Teka, parang kilala ko to ah…

Siya nga ba? Oo! Siya nga! Si… si T’wolf! Dito pala siya naglalaro! Di ko inisip na makikita ko siya dito. Grabe sobrang idol ko ‘to. Dahil sa kanya, muntikan na nga ako gumawa ng Knight. Adik grabe, nagpapalevel talaga hanggang ngayon.

Teka, labo ah…

Sabi ni Kat nasa first floor lang daw siya. Pero wala naman akong nakikitang babae dito. Baka umalis na? Pero sabi naman niya sakin maghihintay siya eh…

Hmm… Pero lately, parang iniiwasan niya ako eh. Hindi kaya di talaga siya dito naglalaro? Di kaya linoloko lang niya ako? Ibig sabihin ata nito ayaw na niya ako makita. Oo siguro. Pagkatapos ng gabing iyan, wala na eh. Bigla na lang siya nawala.

Sayang lang pala pagpunta ko dito. Sayang pamasahe. Mabuti na lang umuwi na lang ako. Bad trip.

Teka. Ewan ko lang, pero may nagsasabi sa kin na nandito siya. Alam ko hindi ganyan klaseng tao si Kat. Kung ayaw niya sa kin, edi nung una pa kami nagkita, eh hindi na siya sumulpot. Malamang may dahilan yan kung bakit hindi siya nagpapakita. Malay ko kung ano man iyan, pero alam ko hindi dahil iniiwasan niya ako.

Ewan ko kung paano, pero alam ko nandito siya. Hindi lang ako tumingin nang maiigi, pero nandito siya. Nararamdaman ko. Ewan ko kung bakit, pero basta. Nandito si Kat.
Ito… Nakita ko na. PriestessKat. Ito… ito nga. Di ko makakalimutan yang pari na iyan. Suot suot pa iyun bao bao na bigay ko.

Pero… pero…

Ibang tao ang naglalaro… Hindi si Kat. Hindi iyun Kat na kilala ko…

Lalaki…

Tumigil ang mundo.

Anong… anong ibig sabihin nito? Sino ‘tong lalaking to? Ka-ano ba ‘to ni Kat? Siya ba iyun nakausap ko kanina? O siguro pilot lang to. Baka nag CR lang si Kat o bumili ng ulam sa labas?

Baka naman binenta na ni Kat iyun account niya? Hindi siguro…

Isa lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan. Inabot ko ang kamay ko sa kanya…

“Pare…”

Chapter 18 - Katotohanan

“Bakit?”

Ito ata yun nag PM sakin kanina. Di ko kasi maalala kung sino siya, kaya nung sinabi niya na magkita kami, pumayag na lang ako. Malabo pa kasi lahat sa kin. Ang dami pang bagay na hindi ko matandaan. Inisip ko lang kasi, kung sakaling, baka makakatulong tong tao na to sa amnesia ko.

Kaso, ngayon na nandito na siya, hindi ko na alam kung ano sasabihin ko.

“Nandito ba si Kat?”

Si Kat? Bakit niya hinahanap si Kat? Kaano ba niya si Kat? Hindi ko kasi maalala eh.

“Hah? Ah, hindi, wala si Kat dito. Ako lang. Bakit mo siya hinahanap?”

Parang hindi ata magandang desisyon ang pagpunta niya dito…

“Ang alam ko kasi, si Kat ang may-ari nyan. Kaya nagtataka lang ako kung bakit ibang tao ang naglalaro. Kaano mo ba siya? Pilot ka ba niya?”

“GF ko siya. Kaming dalawa ang may-ari nito. Minsan, ako ang naglalaro, minsan siya.”

Sa totoo, di ko maalala na kami ni Kat. Pero yan kasi ang sinasabi ng lahat. Kaso parang natulala ata siya. Ano ba sinabi ko?

“Ulitin mo nga yan? GF mo siya? Girlfriend?”

Ano ba paki nito kung mag syota kami? Kaano ba to ni Kat? At bakit bigla na lang to susulpot at kung ano ano ang pinag tatanong? Nawawalan na ko ng pasensya sa pakialamero na to.

“Oo. Kung hindi mo ako narinig nung unang beses, Boyfriend niya ako.

“Linoloko mo ba ako? Wala siyang sinabi na may boyfriend siya.”

Naiinis na talaga ako dito ah. Ano ba paki niya? Sino ba siya at nakikialam siya sa relasyon naming dalawa? Teka… Hindi kaya…

Hindi kaya ito si… iyung si... Argh! Hindi ko maalala. Pero alam ko kilala ko to. Kelangan maalala ko. Andyan na eh, kaunti na lang. Letter A ata yun start ng pangalan…

A… All…Allan…

Oo. Tama. Si Allan nga to. Naalala ko na. Naalala ko na lahat. Nakilala ko siya sa Ragna, habang gamit ko iyun pari ni Kat. Akala niya na totoong babae ako, at dinidiskarte ako. Ako naman, natuwa, kaya pinagtripan ko. Ginawa ko talaga lahat para hindi niya mahalata. Binigay ko pa sa kanya yun Friendster ni Kat. Pero… hindi ko inisip na magyayaya siya magkita. Nag oo naman ako. Wala na ako magawa nun, sinabihan ko si Kat na siya na lang makipagkita kay Allan. Hindi ko inisip yun pwedeng mangyari pagkatapos nun. Hindi ko inisip na kung ano yun gagawin ni Allan pagkatapos.

Bigla na lang ako tinulak ni Allan.

“Ano? Bakit bigla ka tumahimik? Sumagot ka! Kaano mo ba talaga siya? Hindi ako naniniwala na kayo ni Kat!”

Malakas yun tulak na yan ah. Muntik na ko tumama sa isang PC. Epal to ah. Hindi ako papayag na matulak nang ganyan. Etong sa kanya. Humigpit ang kamay ko at inangat ko…

“Oi ano yan hah? Away! Away!”

Biglang may mga tumayo at pumigil sa aming dalawa. Pinaghihiwalay nila kami ni Allan. Maya maya, nakisama na yun iba. Nagkagulo bigla. Ang ingay na dito sa shop, lalo pang umingay. Pero sa pandinig ko, si Allan lang ang naririnig ko. Kung anong maduduming salita ang naririnig ko sa kanya. Wala na kong paki sa nangyayari. Hindi ako magpapatalo. Sinisigawan ko siya gamit ang buong lakas ng boses ko. Gusto kong marinig niya ang sinasabi ko.

“Tar*nt*do ka pala eh! Kung hindi mo alam, matagal na kaming magkasama! High school pa lang, magkasama na kami! Kaya kung ako sa iyo, wag ka nang umepal at humanap ka na lang ng iba!”

“Tado ka rin pala eh! Kung may BF talaga si Kat, bakit pa siya papayag na ligawan ko siya? Bakit pa siya papayag makipagkita? Kung may BF talaga siya, diniskarthean ko pa lang sa RO, sasabihan na niya akong tumigil!”

“Gag*! Ako kaya yun! Ako yun nakakausap mo sa Ragna! Kung hindi mo alam, ang taong nakilala mo ay hindi si Kat kundi ako! Kung hindi mo alam, dati pa kitang pinagtritripan! Napaka-uto uto mo! Nadala ka nang basta basta dahil lang sa Friendster! At para lang alam mo, sinabihan ko lang si Kat na makipagkita sa iyo, para lalo pa kitang pwedeng lokohin!”

“Sira ulo ka pala eh! Sino bang papayagan ang GF na makipagkita sa ibang tao? Mahal mo ba talaga yun? Kaya pala sinagot niya ako eh!”

Ano yun? Sinagot niya? Sinagot ni Kat? Paano? Kelan? Hindi, hindi yan totoo…

Sa sobrang galit ko, nakaligtas ako sa mga humihiwalay saming dalawa. Tumakbo ako diretso papunta kay Allan…

“HINDI YAN TOTOO! HINDI YAN TOTOO!”

Nasapak ko siya sa mukha. Solid. Hulog siya sa sahig. Yumuko ako at hinawak ko siya sa leeg. Unti-unting humihigpit ang aking kamay.

Tinitigan niya ako, at nagsalita…

“Maniwala ka o hindi, sinagot niya talaga ako. Aminin mo na. AYAW NA NIYA SA IYO. Kaya mukhang ikaw ang dapat na humanap ng iba. Ikaw kasi eh. Kung hindi dahil sa kalokohan mo, hindi siguro tayo nagkagulo tulad nito…”

Kung… kung hindi dahil sa akin…

Binitaw ko ang leeg niya at lumayo ako…

Ta… tama siya… Kung hindi dahil sa akin, hindi nangyari tong lahat. Kung dati pa lang, sinabi ko na agad sa kanya na lalaki talaga ako. Hindi sila magkikita ni Kat. Tama nga rin siguro siya. Naalala ko na ngayon. May panahon din na biglang lumayo si Kat sakin. Kat, ano ba tong nagawa ko sa iyo? Parang inutusan lang kita nang ganyan lang. Hindi ko inisip yun damdamin mo. Parang ginamit lang kita tulad ng character sa Ragnarok. Ginamit ko lang si Kat para lang sa sarili kong katuwaan. Kaya nga siguro lumayo ka at napunta dyan kay Allan, dahil sa pagtrato ko sa iyo. Ano ba tong nagawa ko?

Napakabobo ko. T*NGA! T*NGA! Tama si Allan. Hindi ako karapat-dapat sa kanya. Isa akong manlolokong nanggagamit ng tao.

Kat… patawarin mo ako… patawarin mo ako…
Chapter 19 – Paalam

“Si Drew? Di ko nakita eh. Baka nandiyan sa tambayan.”

Asan na ba napunta si Drew? Magkikita dapat kami ngayon. May medical check up pa siya sa doktor. Magaling na siya, pero gusto lang daw siya i-examine ng doktor kung talagang ok na siya. Ano ba yan kalalabas lang niya ng ospital kung saan na pumunta. Hindi ko siya mahanap sa tambayan niya sa school. Hindi rin siya sumasagot sa phone niya, hindi pa nag rereply.

Wag mo naman sabihin nasagasaan na naman siya. Teka. Bad joke Kat. Very bad joke.

“Ah, oo nga! Parang nakita ko ata sa Hobby Stop kanina…”

Hobby? Ano ginagawa niya dyan? Naglalaro? Ano ba to! Nakalimutan ba niyia appointment niya sa doktor? Ang adik naman niya, unang araw pa lang sa labas ng ospital naglaro agad? Hay nako, yang lalaking yan talaga.

Nagpasalamat ako sa kaibigan ni Drew at naghanap ng tricycle.

“Kuya, sa Hobby Stop po. Yun malapit sa may KFC.”

Ang galing talaga. Syempre pupuntahan ko pa siya dyan. Gagastos pa ko pambayad dito sa tricycle. Hindi ba siya natatakot? Oo nga, magaling na siya, pero hindi pa siya 100%. Kung hindi niya aasikasuhin ang sarili niya, baka kung ano pa mangyari. Kaya importante tong checkup ngayon. Pero parang wala lang sa kanya. Ang alam niya, magaling na siya, ok na. Ako kaya, takot na takot para sa kanya. Ayoko maranasan ulit yun. Yun feeling na baka tuluyan na siyang mawala sa buhay mo? Akala ko talaga mawawala na siya nun. Kaya nga ngayon, sinisigurado ko nang hindi na mauulit.

Ako kasi eh. Napadala kasi ako kay Allan eh. Anniversary pa namin ni Drew nun. Grabe ko talaga, nakalimutan ko pa. Dahil dyan, tuloy nag-alala si Drew, naaksidente. Kung hindi ko talaga…

Teka. Tama na. Wag mo sisihin sarili mo. Wala ka na ring magagawa eh. Ang importante ngayon, maayos na lahat. Magaling na si Drew, at umaayos na ulit ang relasyon namin.

Pero…

Paano si Allan? Sayang naman, baka naman pwedeng…

“Miss? Miss? Nandito na tayo.”

“Ay! Pasensya na po kuya. Magkano po?”
Ano ba yan. Sa sobrang lalim ng isip ko, di ko tuloy napansin. Hobby Stop. Tagal na kong di nakapunta dito. Pero ganun pa rin siya. Walang nagbago. Parang kahapon lang…

Teka… Kakaiba yang ingay dyan ah. Hindi iyan yung ingay ng laro. Parang… sigawan? Ano bang nangyayari sa loob?

Nagmadali ako at binuksan yun pinto, kaso, parang mas mabuti ata na hindi na lang ako pumasok…

Nandito nga si Drew… Pero may isa pang tao. Si Allan. Parang sila ata iyun nasa gitna ng away. May dugo sa pisngi ni Allan. Mukhang nag away nga sila. Pero parang umayos na ngayon. Pinaghiwalay na sila ng mga tao. Nakatalikod si Drew. Di niya ako nakitang pumasok. Pero si Allan…

“Oh. Ayan na kasabwat mo.”

Kasabwat? Anong ibig niyang sabihin?

Lumakad si Allan papunta sa akin. Teka, di pala sa akin, palabas na pala siya ng shop. Binuksan niya ang pinto, at tumigil.

“Alam ko na lahat.” sabi niya.

Lahat? Sinabi ba ni Drew sa kanya? Pati na rin yung…

“Pero wag kang mag-alala. Aalis na ako. Di na ako makikialam sa inyong dalawa. Kahit na mahal kita, meron nang mas na una sakin.”

Lumingon siya at tumingon kay Drew.

“Pare. Iyong-iyo na siya. She’s all yours. Paalam.”

Teka. Allan! Hindi kailangang matapos nang ganito. Hintay!

“A… Allan!”

Inabot ko ang braso niya at hinwak nang mahigpit…

“Hintay…”

“Oh, bakit? Ano sasabihin mo? Mahal mo ako? Aaminin ko sa iyo. Minahal talaga kita. Pero narinig ko na lahat kay Drew, na pumayag ka lang na makipagkita sa akin. Linoko na ako ni Drew. Ikaw pa. Paano ko masisigurado na hindi mo rin ako niloloko? Paano ko masisigurado na TUNAY ang pag-ibig mo sa akin?”


Wala. Wala akong masabi. Alam na niya lahat ng pinaggagawa ko. Hindi na siya maniniwala kahit ano pang sabihin ko. Hindi ko na alam anong sasabihin ko.

Unti-unting lumuwang ang hawak ko sa braso niya, hanggang nabitaw din. Nakatayo lang ako diyan, hindi gumagalaw.

Hindi ko napansin, umalis na pala si Allan, nakatayo pa rin ako diyan…

Allan. Bakit kailangan mong umalis? Siguro naman makakagawa tayo ng paraan…

“K… Kat…”

Si Drew. Nang narinig ko boses niya, tumakbo ako bigla papunta sa kanya…

“Teka. Wag kang lalapit.”

Napadilat mata ko. Lumayo si Drew sa akin at tumalikod.

“Drew? Bakit? Anong problema?”

“Kat. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa kagag*han ko, hindi na sana nagkagulo tulad nito. Naalala mo ba nung humingi ako ng tulong sa iyo? Na makipagkita ka kay Allan? Ginawa kitang scapegoat. Tumago ako sa likod mo. Para lang hindi ako mahalata sa kalokohan ko. Napakadamot ko. Iniisip ko lang yun sarili ko, na hindi ako mapapahiya. Dahil dyan, hindi ko tuloy inisip ang damdamin mo. Tapos, nung naaksidente pa ko, inalagaan mo pa ko. Sa totoo, ang dami mong dahilan para magalit sa akin…”

“Drew… ano tong sinasabi mo?”

Nagumpisa na ring lumakad si Drew papunta sa pinto.

“Kalimutan mo na ako Kat. Hindi ako karapat-dapat sa iyo. Ang daming ibang lalaki diyan na aalaga sa iyo. Hindi katulad ko. Sayang lang kagandahan mo kung mapunta ka sa akin.”

“Drew, ano bang sinasabi mo? Alam ko na yan lahat, pero wala na akong problema diyan. Sa totoo, mas malala pa kasalanan ko sa iyo. But we’ll get over it Drew. Let’s start over. Kakayanan natin. May dahilan kung bakit tumagal tayo ng ilang taon…”

“Kat… pasensya na, pero ngayon… tuwing nakikita na kita… naaalala ko mga pagkukulang ko sa iyo. As much as I want to Kat… I don’t deserve your love. Hindi ako ang tamang lalaki para sa iyo.”

“Drew. Hindi… Hindi ako papayag!”

Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko siya bibitiwan. Maski pang mapagod at dumugo ang aking kamay, hindi ako bibitaw. Iniwan na ako ni Allan, hindi ako papayag na pati ikaw.

“Kat…”

“Drew. Intindihin mo ako. Hindi lang ikaw ang may mali. May kasalanan din ako sa iyo. Parehas tayong may pagkukulang sa isa’t isa. Pero Drew, mahal kita, at dahil dyan, I’m willing to forgive… and forget. Kung ano man pagkukulang natin, kaya pa natin magbago.”

“Kat. Aalis na ko…”

“Hindi! Hindi ako papayag! Hindi kita bibitiwan! Pakinggan mo ako! Pakiusap Drew! Give me another chance. Let’s start from scratch! Kaya naitn to ayusin, sigurado ako!”

Dahan – dahang humarap si Drew sa akin. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay, na humawak sa likod ko. Niyakap rin niya ako nang matagal. Tumingin ako sa kanya, at nagtagpo ang aming mata. Hinawak niya ang buhok ko, at dahan-dahan niyang sinuklay. At biglang mahina niyang binulong…

“Paalam…”

At pagkatapos nun, ginamit niya ang kanyang kamay upang makaalis sa yakap ko, at dahan-dahan siyang lumabas sa pintuan.

“Paalam…”



* di ako ung writer nito... si sk8rboihuang po ng rb... =)

~Fiamme` - January 1, 2006 05:03 AM (GMT)
*bump* mron b bumabasa nito?

leandra - January 1, 2006 05:27 AM (GMT)
aww... wen u try to keep both u lose both in d end.... /sob




sinubaybayan ko ito sa old boards, natapos n din pla... :wub:

-Nike- - January 1, 2006 05:55 AM (GMT)
gnda tlga n2 ^^ thx po~

RenZ - January 1, 2006 09:30 AM (GMT)
what a very sad ending....

kaya sa mga chixilog jan, better use this as a lesson :lol:

ngaun ko lang nabasa, tapos na din pla

yuki - January 2, 2006 07:46 PM (GMT)
hehe i read it na sa old boards..
sabi nila may kasunod pa daw :unsure:
sana.. ganda e /heh

~Fiamme` - January 3, 2006 12:14 AM (GMT)
mtgl p ata ung update dito e... busy ung writer... /sob

yuki - January 4, 2006 09:03 AM (GMT)
aww sayang /sob
ganda p nmn :)

Corzair - January 4, 2006 10:36 AM (GMT)
Damn... What a sad ending... /sob

-=Amihan=- - January 10, 2006 03:33 AM (GMT)
binabasa ko ito dati sa old boards. la pa po ba updates?

Jack - January 10, 2006 04:40 AM (GMT)
Hinde pa ba ending un? :huh:

Hope this will serve as a lesson to all chixi out there /gg

Bfkhmerz - January 11, 2006 03:35 AM (GMT)
Hayzzz...ending na ba yun? :huh: :huh: :huh:
Nabasa ko din to.. /heh

BANZORED! - January 11, 2006 03:51 AM (GMT)
@ all

Hindi pa tapos yan.. /gg Binibitin lang kayo nung writer.. :p

@ ~Fiamme`

Salamat sa pagpost.. /kis

Bfkhmerz - January 11, 2006 04:47 AM (GMT)
Sana may katuloy na agad.. /sob
Nakakabitin kc eh.. /wah

Jack - January 11, 2006 04:55 AM (GMT)
Ahhhh akala ko ending na un.. /swt

Updates please :D

koohla - January 14, 2006 04:23 PM (GMT)
dark naman /e1

BANZORED! - January 14, 2006 06:02 PM (GMT)
@ ^

*looks at her red sig* That is my reply.. :D

@ the story

I got updates.. /gg Pero hindi ko muna ipopost.. Bibitinin ko muna kayo.. :p

Rizelmine - January 14, 2006 08:46 PM (GMT)
how sad.. /sob

rikaldrey - January 15, 2006 02:07 AM (GMT)
huhuhu.. /sob

Ganda ng story..Ipost nyo na po ung continuation..Hehehe! :lol:

sheeenzzz - February 3, 2006 07:33 AM (GMT)
naiiyak ako /p_cry

sob,,, =(

-=Amihan=- - February 3, 2006 02:50 PM (GMT)
sana ma updatena ito

Sweet Revenge - February 4, 2006 01:23 PM (GMT)
UPDATE PLZ!

.,.Ginji_Amano.,. - February 4, 2006 03:24 PM (GMT)
skit lang b yan o nangyari sa tunay?? its hurt amf /heh

jannah™ - February 14, 2006 08:07 AM (GMT)
clap*clap*clap*

sad story pero may aral tlaga...

aabangan ko yung kasunod ah!

kudos! 8->

angelkhate - February 14, 2006 09:30 AM (GMT)
awwww /sob kakaiyak naman ng story...ganda pagkasulat.../no1 sana may continuation tapos happy ending naman...bagay sa araw na 2 ...

FlowFlow - February 15, 2006 12:58 PM (GMT)
grabe ha...

I think mabuti nang walang update yan. /heh

~Fiamme` - February 15, 2006 01:56 PM (GMT)
hmm... nkalimutan ko n ksi password ko s accnt ko s rgnabrds e... pkita k nlng update ko dito... kpg nkuha k n email ko =)

~Fiamme` - February 15, 2006 02:07 PM (GMT)
Chapter 20: Chicksilog

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ko iniiwan ang taong minahal ko ng limang taon? nababaliw na ba ako dahil sa aking aksidente? Bakit tuloy padin ang paglakad ko? Hoy tumigil kayo sa paglakad(nakatingin sa kanyang mga paa)! Ishtooooop! Ano ba ito, ayaw tumigil ng sarili kong mga paa.. Teka parang kilala ko iyong taong iyon, pasakay siya ng tricycle, t-teka, c Allan! Tama si Allan nga! Kaya ko ba iiwan si Kat dahil.. ohh hindeeee..

Drew: "Allan! Allan! hintay!"
Allan: "Oh bakit? di ka pa ba masaya sa ginawa ninyo sa akin?"
Drew: "Pasensya ka na pare, iniwan ko na si Kat.."
Allan: "Bakit pare?.. uhhh" (Ang gwapo pala ni Drew kapag malapit)
Drew: "Sa totoo lang, Allan.. err.. mas gusto kita.."

nanahimik ang buong paligid. Pati ang driver ng tricycle ay napatitig sa kanilang dalawa.

Allan: "Ai fafa.. ang gwapo mo! sige tayo na!"
Drew: "Ang gwapo mo din fafa! haylabyuh! Mwah! kis1.gif"

===The End===

@all
this chapter is not created by sk8erboi... gwa gwa lng ito ng ibng tao... har har har

Bfkhmerz - February 15, 2006 02:23 PM (GMT)
@^

Waaaaaaaaa.. Ba't ganyan.. /sob

kyuzo - February 15, 2006 07:29 PM (GMT)
wtf! :woot:

Sweet Revenge - February 16, 2006 04:30 AM (GMT)
hala! naging bakless si drew at si allan! wtf! :wtf:

yuki - February 16, 2006 08:58 AM (GMT)
amf! kala ko un nakasunod, tapos napapatunganga ako sa nababasa ko :woot:

:chair:

FlowFlow - February 16, 2006 03:09 PM (GMT)
kill fiamme /heh anak ng.. :woot: :woot:

so that's the chixilog part? :woot: :woot:

-=Amihan=- - February 16, 2006 04:28 PM (GMT)
nagkabadingan na amf /heh

[adx]™ DeaThStriKe - February 17, 2006 06:19 AM (GMT)
anu ba un amf... nung binabasa ko e2 sa old boards.. nagaganahan ako magbasa.. pero pagdating sa Chapter 20.. pareho sila naging bading amf... yaaaakkk...!! loko ung gumawa ng Chapter 20.. /wah :guns: /e5

~Fiamme` - February 18, 2006 01:43 PM (GMT)
ganda nga ng ending dba?... cge i'll try to find out the REAL ending
hahaha

FlowFlow - February 18, 2006 02:37 PM (GMT)
please do /heh baka tumaas warn meter mo /heh /heh

sana yung matinong chapter 20 nalang /heh

Sweet Revenge - February 18, 2006 02:41 PM (GMT)
@^

loko ka flow.. =))

natawa tlga ako kay drew e.. " ang gwapo pala ni allan kapag malapit" =))

OrDeR_tAkEr - February 18, 2006 05:23 PM (GMT)
amf...tae un ah...naging bading ang mga loko /heh

~Fiamme` - February 21, 2006 12:02 PM (GMT)
d na nagool un writer e... hahahah... cge w8 lng po mga fafa.. hintay ko lng bumalik si fafa writer /gg




* Hosted for free by InvisionFree